NCR nasa low risk pa rin sa COVID-19 ayon sa DOH

NCR nasa low risk pa rin sa COVID-19 ayon sa DOH

Nananatiling “low risk” ang classification ng National Capital Region (NCR) sa COVID-19 cases.

Ayon sa inilabas na abiso ng Department of Health (DOH), para ma-classify bilang “moderate risk” ang isang lugar ay dapat mayroong positive two-week growth rate (TWGR) at may average daily attack rate (ADAR) na hindi bababa sa 6 average cases per 100K population.

Sinabi ng DOH na hanggang noong Miyerkules, June 15, bagaman ang NCR ay mayroong positive TWGR, ang ADAR nito ay nananatiling mas mababa sa 6 at less than 1 case per 100K population.

Ipinaliwanag ng DOH na sa sandaling umabot sa 818 ang daily cases ng COVID-19 na maitatala sa NCR sa loob ng dalawang linggo aya saka lamang aabot sa 6 cases per 100K population ang ADAR nito.

Nananatili ding mababa ang healthcare utilization rate (HCUR) sa Metro Manila ayon sa DOH.

Ang mahalaga ayon sa kagawaran ay nananatiling mababa ang bilang ng severe at critical hospital admissions.

Inaasahan ng DOH na karamihansa mga maitatalang kaso ng COVID-19 ay asymptomatic na lamang o makararanas lamang ng mild o moderate symptoms dahil karamihan ay fully vaccinated na. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *