Gun ban ipatutupad sa NCR para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.

Gun ban ipatutupad sa NCR para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.

Magpapatupad ng local gun ban ang Philippine National Police (PNP) sa National Capital Region at sa Davao Region.

Ayon kay Maj. Gen. Valeriano De LEon, director for operations ng PNP, ito ay para sa inagurasyon nina President-elect Ferdinand Marcos Jr. at Vice-president elect Sara Duterte-Carpio.

Para sa inagurasyon ni Marcos na gaganapin sa June 30, 2022, iiral ang gun ban sa buong NCR mula sa June 27 hanggang sa July 2.

Ang inagurasyon ni Marcos ay idaraos sa National Museum of Fine Arts sa Maynila.

Samantala, sinabi ni Valeriano na nagsimula naman nang umiral ang gun ban sa buong Davao Region ngayong araw June 16 at tatagal hanggang sa sa June 21.

Ito ay para naman sa nagurasyon ni Duterte-Carpio na gaganapin sa June 19 sa San Pedro Square sa Davao City. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *