Expert panel ng WHO magpupulong para desisyunan kung idedeklarang “emergency” ang monkeypox
Nakatakdang magpupulong ang mga eksperto ng World Health Organization (WHO) para desisyunan kung kailangan bang ideklarang “emergency” ang pagkalat ng monkeypox.
Sinabi ni WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, magco-convene ang emergency committee of experts ng WHO dahil maituturing nang “unusual” ang pagkalat ng monkeypox sa mga bansang apektado nito.
Kailangan na aniya ang coordinated response dahil sa geographic spread ng sakit.
Kung maidedeklarang international health emergency ang monkeypox ay maihahalintulad ito sa COVID-19 at ituturing ng WHO na patuloy ang banta nito sa mundo.