Pagsusuot ng face mask magpapatuloy hanggang sa katapusan ng taon – DOH

Pagsusuot ng face mask magpapatuloy hanggang sa katapusan ng taon – DOH

Inirekomenda ng Department of Health (DOH) na magpatuloy ang pagsusuot ng face mask sa bansa hanggang sa katapusan ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, maliban sa COVID-19 ay proteksyon din ang face mask sa iba pang mga sakit.

Sinabi ni Vergeire na mapoprotektahan ang bawat isa laban sa iba pang respiratory infections, at maging sa monkeypox kung magpapatuloy ang pagsusuot ng face mask.

Sa ngayon sinabi ni Vergeire na patuloy na umiiral ang polisya sa pagsusuot ng face mask sa indoor man o outdoor spaces.

Pinapayagan lang aniya ang pagtatanggal ng face mask kapag kumakain o nag-eehersisyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *