DOH nakapagtala ng 16 na bagong kaso ng Omicron subvariants

DOH nakapagtala ng 16 na bagong kaso ng Omicron subvariants

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng dagdag na 16 na bagong kaso ng Omicron subvariant sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa nasabing bilang, 6 ang bagong kaso ng BA.5 at 10 naman ang bagong kaso ng BA.2.12.1.

Sa anim na kaso ng BA.5, 2 ang mula sa Metro Manila, tig-iisa sa Cagayan Valley, Western Visayas, Northern Mindanao at ang isa ay bineberipika pa ang address.

Habang ang 10 BA.2.12.1 cases ay mula sa NCR (4), Calabarzon (2), Cagayan Valley (1), Bicol Region (1), Western Visayas (1), at ang isa ay returning overseas Filipino.

Sa sampung nagpositibo sa BA.2.12.1, tatlo ang fully-vaccinated na habang inaalam pa ang vaccination status ng iba pa.

Dalawa sa kanila ang nakitaan ng mild na sintomas, tatlo ang asymptomatic habang ang lima ay bineberipika pa.

Walo sa sampung nagpositibo sa BA.2.12.1 ay recovered na ayon sa DOH. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *