“Lightyear” ng Disney hindi pinayagang maipalabas sa 14 na mga bansa at teritoryo dahil sa same-sex kiss scene

“Lightyear” ng Disney hindi pinayagang maipalabas sa 14 na mga bansa at teritoryo dahil sa same-sex kiss scene

Hindi pinayagang maipalabas sa 14 na mga bansa at teritoryo ang animation na “Lightyear” ng Disney Pixar.

Ito ay dahil sa kontrobersyal na same-sex kiss sa pelikula.

Ilang bansa sa Asya at Middle East ang tumangging maipalabas ang “Lightyear”.

Ayon sa regulators sa United Arab Emirates ban sa kanilang bansa ang pelikula dahil sa paglabag sa media content standards.

Sa Indonesia, bagaman hindi pa ipinagbabawal ang pagpapalabas ng pelikula, hiniling ng censoring office sa Disney na ikunsidera ang mga audience sa nasabing bansa Indonesia tungkol sa LGBT kissing scene.

Sa Malaysia naman, sinabi ng Film Censorship Board nito na hindi ipapalabas sa bansa ang pelikula kung hindi magsusumiten ng updated o kung hindi puputulin ang eksena.

Kabilang sa mga bansang tumanggi nang ipalabas ang pelikua ay ang Bahrain, Egypt, Iraq, Jordan, Kuwait, Lebanon, Oman, Palestinian Territories, Qatar, Saudi Arabia at Syria. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *