Daily cases ng COVID-19 sa NCR, posibleng umakyat sa 500 sa katapusan ng buwan
Posibleng umakyat hanggang sa 500 ang maitatalang COVID-19 infections sa Metro Manila kada araw sa katapusan ng Hunyo.
Ayon kay OCTA Research fellow, Dr. Guido David, batay ito sa latest trends ng COVID-19 transmission sa rehiyon.
Sinabi ni Guido na lumobo ng 53% ang kaso kada araw kumpara noong nakaraang linggo, at ang reproduction number ay nasa 1.59.
Sinabi rin ni David na tumataas din ang positivity rate sa Metro Manila na ngayon ay nasa 2.7% na at ang bilang ng mga naitalang kaso noong Lunes ay 188.
Aniya, medyo bumibilis ang pagtaas ng bilang ng mga kaso kumpara sa mga nakalipas na linggo na 65 cases lamang per day.
Umaasa si David na hindi aabot sa 1,000 kada araw ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila subalit may posibilidad pa rin aniya na ito ay mangyari. (Infinite Radio Calbayog)