Bagong Passenger Terminal Building sa Batangas Port magagamit na ng mga pasahero
Pinasinayaan ng Department of Transportation (DOTr) ang bagong Passenger Terminal Building sa Batangas Port.
Pinangunahan ni DOTr Secretary Art Tugade ang aktibidad para sa katatapos lamang na proyekto na kinapapalooban ng Phase 1 at Phase 2A ng ng bagong Terminal Building.
Kaya nitong makapagserbisyo ng 4,000 mga pasahero anumang oras.
Sa sandaling makumpleto naman ang konstruksyon sa Phase 2B ng pantalan ay ito na ang magiging isa sa pinakamalaking terminal port sa bansa dahil aabot sa 6,000 na pasahero ang kayang maserbisyuhan nito.
Nagpaabot naman ng lubos na pasasalamat si Batangas Governor Hermilando Mandanas dahil malaki ang maitutulong ng natapos na pasilidad sa lalawigan.
Ang bagong PTB ay mayroong mas maayos na sistema sa ticketing, mayroong water refilling at charging stations, at may malaking LED board kung saan nakalagay ang pagdating at boarding time sa bawat destinasyon ng barko sa pantalan. (DDC)