Kaso ng COVID-19 sa NCR posibleng umabot sa halos 500
Posibleng umabot sa halos 500 na ang maitatalang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa katapusan ng Hunyo.
Ayon sa pagtaya ng OCTA Research, patuloy ang magiging pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa NCR.
Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research, hindi naman kailangang magpatupad ng major changes sa public health policy.
Gayunman, mahalaga aniyang patuloy na sundin ang health protocols at magpaturok na ng booster shots ng COVID-19 vaccine. .
Ito ay para maprotektahan lalo na ang mga vulnerable sector.
Noong Lunes, June 13 umabot sa 188 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila. (DDC)