NTC muling inatasan ang telcos at mga opisyal na balaan ang publiko sa patuloy na kumakalat na pekeng texts na nag-aalok ng trabaho

NTC muling inatasan ang telcos at mga opisyal na balaan ang publiko sa patuloy na kumakalat na pekeng texts na nag-aalok ng trabaho

9Inatasan muli ng National Telecommunications Commission (NTC) ngayong Biyernes ang tatlong malalaking telco players at mga regional director ng komisyon na ulitin ang babala laban sa fake job text scams na patuloy na namamayagpag.

Sa memorandum na naka-address sa Dito Telecommunity, Globe Telecom at Smart Communications, ipinag-utos ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na magpada ng text blasts sa mga subscriber simula June 11 hanggang June 17 na nagsasaad ng sumusunod na babala:

“Huwag pong maniwala sa text na nag-aalok ng trabaho na may pangako na malaking sweldo. Ito po ay isang scam.”

Hinikayat din ang telcos na pabilisin ang proseso ng pag-block ng SIM cards na ginagamit sa iligal na aktibidad.

Sa hiwalay na memo sa kanilang regional offices, inatasan din ng NTC ang mga opisyal na muling balaan ang publiko laban sa nagpapatuloy na text scams sa pamamagitan ng radyo at telebisyon sa kani-kanilang nasasakupan simula June 11 hanggang June 17.

“The proliferation of fake job text scams has continued and even intensified over the past month across telecommunications networks in the country, to the detriment of the public,” saad ng NTC.

Ipinag-utos din ng ahensya ang karagdagang public information campaigns.

Unang inilabas ng NTC ang kaparehong direktiba noong May 28.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *