Bahagyang pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa nakalipas na isang linggo, naitala ng DOH

Bahagyang pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa nakalipas na isang linggo, naitala ng DOH

Nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa buong bansa sa nakalipas na isang linggo.

Ayon sa Department of Health (DOH) noong June 2 hanggang June 8 ay umabot sa 197 ang average daily reported cases ng COVID-19.

Mataas ito ng 9 percent kumpara sa 180 average reported daily cases noong May 26 hanggang June 1.

Sinabi ng DOH na wala namang paggalaw sa bilang ng mga naa-admit sa ospital at kinakailangang ma-admit sa ICU dahil sa nasabing sakit.

Ang total beds utilization ay nananatiling nasa low risk kung saan nakapagtala ng 19 percent utilization rate.

Nasa low risk din ang ICU utilization rate sa 16 percent. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *