Suspek sa hit-and-run incident sa Mandaluyong City hindi muli sumipot sa pagdinig ng LTO
Hindi muli sumipot sa ikalawang pagdinig ng Land Transportation Office (LTO) ang driver na sangkot sa hit-and-run incident sa Mandaluyong City.
Dahil sa muling hindi pagsipot sa pagdinig ng LTO, isusumite na ng komite ang kanilang rekomendasyon kay Asst. Sec. Edgar Galvante.
Dedesisyunan na ng LTO kung ano ang parusang ipapataw sa driver ng SUV.
Ayon kay Galvante, maaring maharap sa suspensyon o revocation ng driver’s license ang driver.
Ayon kay Mandaluyong Police Deputy chief P/Lt. Col. Marlon Mallorca hindi pa rin nakikipag-ugnayan sa kanila ang suspek.
Bagaman nagpaabot na aniya ng surrender feelers ang suspek, ay hindi pa rin ito nagpapakita sa pulisya. (DDC)