Health minister, at mayor sa Hanoi, Vietnam inaresto kaugnay sa COVID-19 test kit scandal
Dinakip ng mga otoridad ang health minister sa Vietnam, at ang mayor sa Hanoi dahil sa pagkakasangkot sa $170 million na halaga ng COVID-19 test-kit scandal.
Inilabas ang arrest warrant laban kay Health minister Ngoc Anh dahil sa paglabag sa regulasyon sa pag-manage at paggamit ng State assets noong naninilbihan siya bilang minister ng science and technology.
Inaresto din si Hanoy Mayor Nguyen Thanh Long dahil sa pag-abuso sa posisyon at kapangyarihan.
Inalisan din sila ng kanilang Communist Party membership.
Ang kaso ay may kaugnayan sa pagsusuplay ng overpriced na Viet A COVID-19 test kits sa mga ospital.
May kinakaharap ding kaso ang director-general ng kumpanyang Viet A na si Phan Quoc Viet dahil sinuhulan niya ang mga opisyal para ibenta ang kanilang produkto sa mga ospital at provincial CDC. (DDC)