Kaso ng monkeypox sa mga non-endemic countries mahigit 1,000 na

Kaso ng monkeypox sa mga non-endemic countries mahigit 1,000 na

Sumampa na sa 1,000 ang naitalang kaso ng monkeypox sa mga non-endemic countries na apektao nito.

Ayon kay World Health Organization (WHO) chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, hindi pa inirerekomenda ng UN health agency ang mass vaccination laban sa sakit.

Sa ngayon, wala pa aniyang naitatalang nasawi dahil sa sakit.

Sinabi ng WHO na 29 na mga bansa na ngayon na pawang non endemic ang apektado ng sakit.

May mga bansa na rin na nakapagtatala ng community transmission.

Kabilang sa sintomas ng sakit ang high fever, swollen lymph nodes at blistery chickenpox-like rash. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *