P47.6M na halaga ng ilegal na droga nakumpiska sa Cavite
Nakumpiska ng mga tauhan ng Dasmarinas City Police Station – CIDG ang humigit-kumulang pitong kilo ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti illegal drugs operation sa Brgy. Datu Esmael, Dasmarinas City.
Binati ni Regional Director of Police Regional Office 4A, Police Brigadier General Antonio C. Yarra ang mga tauhan ng Cavite police sa isinagawa nitong masusing surveillance at inteligence dahilan para makumpiska ang tinatayang P47.6 million na halaga ng shabu.
“This significant accomplishment is really commendable and our operatives display of dedication to their work is worthy of emulation,” ayon kay Yarra.
Ikinasa ng mga otoridad ang operasyon laban laban sa mga suspek na kabilang sa high value individuals.
Naaresto sa operasyon ang mga suspek na sina Said Alonte Ungpe, 39 anyos at Ali Dimapuro Masinger, 22 anyos na kapwa residente ng Brgy. Datu Esmael, Dasmarinas City.
Ang mga na-recover na shabu ay nakalagay sa tea bags.
Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (DDC)