Prof. Clarita Carlos magsisilbing National Security Adviser sa Marcos admin
Dalawa pang personalidad ang pinangalanan na magsisilbi sa papasok na Marcos administration.
Hinirang ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si retired University of the Philippines Professor Clarita Carlos bilang National Security Adviser (NSA).
Habang si Abono Party-list Representative Conrado Estrella III ay hinirang bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Ayon sa kampo ni Marcos, kapwa tinanggap nina Carlos at Estrella ang posisyon.
Tumagal ng dalawang oras ang pulong sa pagitan ng team ni Marcos at ng dalawang incoming officials.
Una nang inihayag ng incoming president na maaring makatulong si Carlos na isang batikang political science professor, sa kanyang administrasyon dahil sa malawak nitong kaalaman sa foreign policy at international politics.
Si Carlos ay nagilbing panelist sa SMNI presidential debate noong Marso na natatanging debate na dinaluhan ni Marcos noong panahon ng kampanya. (Infinite Radio Calbayog)