300,000 doses ng COVID-19 vaccines na pamalit sa mga na-expire na bakuna, darating sa bansa ngayong buwan

300,000 doses ng COVID-19 vaccines na pamalit sa mga na-expire na bakuna, darating sa bansa ngayong buwan

Nasa 300,000 na Covid-19 vaccines mula sa Covax facility ang nakatakdang dumating sa bansa ngayong buwan.

Ito ay bilang pamalit sa mga expired na bakuna.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inaasahang darating ang mga bakuna sa June 20.

Sinabi ni Vergeire na patuloy pa ang kanilang negosasyon, subalit mayroon nang darating na initial replacements.

Una nang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa 3.6 million expired Covid-19 vaccine doses ang papalitan ng Covax facility.

Aniya, nakipagpulong na sila sa Covax representatives at hiniling na palitan, hindi lamang ang mga donasyong bakuna na mag-e-expire na, kundi maging ang mga binili ng pamahalaan. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *