7 bagong kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.1 at 3 bagong kaso ng BA.5 naitala sa bansa
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 114 na bagong kaso ng Omicron cases ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, sa nasabing bilang, 7 kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariant BA.2.12.1 ang naitala.
Sa 7 bagong kaso ng BA.2.12.1 subvariant ay 3 ang mula sa Metro Manila habang tig-iisa naman ang mula sa Regions 1, 2, 4-A at 5.
Tatlo sa mga pasyente na tinamaan ng BA.2.12.1 ay fully vaccinated na, tatlo ang wala pang bakuna, habang inaalam pa ang status ng vaccination ng isa pa.
Mayroon ding naitalang 3 pang kaso ng BA.5 na subvariants.
Dalawa dito ang mula sa Region 4-A at 1 ang inaalam pa ang address.
Isa sa tatlong kaso ang fully vaccinated na, isa ang hindi bakunado, habang inaalam pa ang status ng vaccination ng isa pa.
Ang tatlo ayon sa DOH ay naka-recover na sa sakit. (DDC)