Suspek sa hit and run incident sa Mandaluyong City nasampahan na ng reklamo

Suspek sa hit and run incident sa Mandaluyong City nasampahan na ng reklamo

Ipinagharap na ng reklamo sa piskalya ang driver ng SUV na nanagasa sa isang security guard sa Mandaluyong City.

Ayon kay Col. Gauvin Mel Uno, hepe ng Mandaluyong City Police, inereklamo ng frustrated murder at abandonment of the victim sa piskalya ang driver ng SUV.

Natukoy ang pagkakakilanlan ng may-ari ng SUV sa pamamagitan ng rekord ng plate number nito sa LTO.

Sa video na kumalat sa social media, makikitang nabangga ng Toyota Rav 4 ang biktimang si Christian Floralde.

Pero sa halip na huminto ay umabante pa ang SUV dahilan para magulungan ang biktima.

Nagpalabas pa ng P50,000 reward si Senator-elect JV Ejercito para sa ikadarakip ng suspek.

Pero ayon kay Ejercito, nakipag-ugnayan na sa kanya ang may-ari ng SUV at sinabing anak nya ang may dala ng sasakyan nang mangyari ang insidente.

Tiniyak din aniya ng SUV owner na sasagutin ang lahat ng gastos sa ospital ng biktima at isusuko sa nga otoridad ang SUV driver. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *