Naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila tumaas ayon sa OCTA Research

Naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila tumaas ayon sa OCTA Research

Tumaas ng 10 percent ang daily average ng bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ayon sa datos mula sa OCTA Research, mula sa 78 na naitalang average ng bagong kaso ng COVID-19 noong May 24 hanggang May 30 ay nakapagtala ng 84 na daily average ng bagong kaso mula May 31 hanggang June 6.

Mula sa 1.08 ay tumaas din sa 1.24 ang reproduction number sa NCR.

Sa kabila nito sinabi ng OCTA Research na nananatiling nasa low risk ang Metro Manila.

Tumaas din ang one-week daily attack rate o ADAR mula sa 0.55 patungo sa 0.61. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *