5.4 percent inflation rate naitala noong Mayo

5.4 percent inflation rate naitala noong Mayo

Bumilis ang pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo noong nagdaang buwan ng Mayo.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng 5.4 percent inflation rate noong nakaraang buwan, mas mataas kumpara sa 4.9 percent noong Abril.

Mataas din ito kung ikukumpara sa 4.1 percent inflation rate na naitala noong Mayo 2021.

Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, ang pangunahing nag-ambag sa overall inflation noong Mayo ay ang mabilis na pagtaas ng presyo ng food at non-alcoholic beverages. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *