P50K reward inilabas ni Senator-elect JV Ejercito para sa makapagbibigay impormasyon sa driver ng hit and run incident sa Mandaluyong
Naglaan ng P50,000 na reward si Senator-elect JV Ejercito para sa sinumang makapagbibigay ng imporasyon sa kinaroroon ng driver ng SUV na bumangga sa isang security guard sa Mandaluyong City.
Ayon kay Ejercito nakagagalit mapanood ang video kung saan kitang sinadya pang sagasaan ng SUV ang biktima at pagkatapos ay tinakasan ito.
“Putting up a P50,000 reward for any info regarding this evil and idiot driver who purposely ran over a traffic enforcer.
Really furious watching the video!” ani Ejercito.
Ani Ejercito, minamaneho ng suspek ang Toyota RAV-4 na may plate number NCO-3781.
Una nang sinabi ng LTO-NCR na natukoy na nila kung sino ang may-ari ng SUV pero hindi tiyak kung ito rin ang nagmamaneho nang oras na mangyari ang insidente. (DDC)