Clearing operations sa mga kalsadang naapektuhan ng pagputok ng Mt. Bulusan nagpapatuloy

Clearing operations sa mga kalsadang naapektuhan ng pagputok ng Mt. Bulusan nagpapatuloy

Nagtulung-tulong ang mga otoridad sa pagsasagawa ng clearing operations sa mga kalsadang naapektuhan ng ash fall dahil sa pagputok ng Mt. Bulusan.

Kabilang sa nilins ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, Philippine National Police at Philippine Coast Guard ang kahabaan ng Maharlika Highway sa ilang barangay sa Juban at Irosin sa Sorsogon.

Pinuntahan din ang mga liblib na bahagi sa Juban upang tulungan ang mga residente sa pagtanggal ng abo sa kani-kanilang bahay.

Linggo ng gabi, personal na pinuntahan ni Sorsogon Governor Chiz Escudero ang 53 na pamilya o 173 na indibidwal na kasalukuyang nasa evacuation center ng Tughan Evacuation Center sa bayan ng Juban.

Dinalhan ang mga evacuees ng food packs, beddings, hygiene kits at iba pang basic na pangangailangan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *