PNP nagpakalat ng mga tauhan sa mga lugar na apektado ng pagputok ng Mt. Bulusan para maiwasan ang insidente ng looting

PNP nagpakalat ng mga tauhan sa mga lugar na apektado ng pagputok ng Mt. Bulusan para maiwasan ang insidente ng looting

Nagpakalat ng puwersa ang Philippine National Police (PNP) sa mga lugar na apektado ng pagputok ng Bulkang Bulusan,

Ayon kay PNP director for operations Police Major General Valeriano de Leon, pinababantayan sa mga pulis ang mga establisyimentong naiwan para matiyak na hindi magkakaroon ng insidente ng looting.

Kadalasan kasi aniyang may nangyayaring looting kapag panahon ng kalamidad.

Ayon kay De Leon, mayroong 87 police personnel ang itinalaga sa mga apektadong lugar habang mayroon ding iba na naka-standby.

Sa datos ng PNP, 44 pamilya ang naapektuhan sa 12 barangay. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *