Partido ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. gumastos ng P272M noong nagdaang eleksyon
Nagdeklara ng P272 million na gastos noong nagdaang eleksyon ang partido ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na Partido Federal ng Pilipinas o PFP.
Ayon kay Atty. George Briones, general counsel ng PFP, ihahain na nila sa Commission on Elections ang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE.
Ito ay nilang pagsunod sa resolusyon ng Comelec kung saan binibigyan ng ang mga kumandidato ng hanggang June 8, 2022 lamang para isumite ang kanilang SOCE.
Sinabi ni Briones na 400-pages ang SOCE ng PFP at pirmado ito ni PFP National Treasurer Antonio Ernesto “Anton” Lagdameo.
Si Lagdameo ang hinirang ni Marcos bilang Special Assistant to the President.
Ayon pa kay Briones, ang P272 million na nagastos para sa nakalipas na presidential campaign ay mas mababa kumpara sa “maximum expenditure” na P337 million na pinapayagan ng batas para sa isang national political party. (DDC)