CAAP nagpalabas ng NOTAM kasunod ng pagputok ng Mt. Bulusan

CAAP nagpalabas ng NOTAM kasunod ng pagputok ng Mt. Bulusan

Nagpalabas ng Notice to Airman ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) matapos ang pagputok ng Mt. Bulusan sa Sorsogon.

Sa abiso ng CAAP, hinikayat ang mga piloto na iwasan ang paglipad sa ibabaw ng Bulusan Volcano.

Nagpapalabas ng NOTAM ang CAAP para ialerto ang mga aircraft pilots sa mga potensyal na hazards sa kanilang ruta.

Ayon sa CAAP, epektibo ang NOTAM 12:21 ng tanghali ng Linggo, June 5.

Itinaas ng Phivolcs ang Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan matapos itong magbuga ng abo na ang taas ay umabot sa isang kilometro. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *