Mga residenteng apektado ng pagputok ng Bulkang Bulusan pinag-iingat ng DOH sa epekto ng ash fall sa kalusugan

Mga residenteng apektado ng pagputok ng Bulkang Bulusan pinag-iingat ng DOH sa epekto ng ash fall sa kalusugan

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang mga residente sa mga lugar na apektado ng ash fall dahil sa pagputok ng Mt. Bulusan.

Sa abiso ng DOH Region 5, ang abo na ibinuga ng bulkan ay naglalaman ng carbon dioxide at flourine na maaring magkaroon ng masamang epekto sa kalusugan ng taong makalalanghap nito.

Ang sinumang makalalanghap ng abo ay maaring makaranas ng iritasyon sa mata, ilong, lalamunan at pulmon.

Maari din itong magdulot ng matinding ubo at hirap sa paghinga at pagkakaroon ng iritasyon sa balat.

Paalala ng DOH, iwasang malantad sa abong ibinuga ng bulkan.

Mas mainam na manatili lamang sa loob ng bahay at isara ang pintuan at bintana.

Dapat ding panatilihing basa ang kapaligiran at lagyan ng mamasa-masang kurtina ang mga bintana at pintuan.

Gumamit ng proteksyon sa mata gaya ng salamin o goggles. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *