Labor case ni Mel Tiangco vs ABS-CBN ibinasura ng SC
Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng newscaster Carmela “Mel” Tiangco laban sa ABS-CBN.
Sa nasabing petisyon, kinukwestyon ni Tiangco ang desisyon ng Court of Appeals (CA) hinggil sa reklamo niyang illegal dismissal at illegal suspension laban sa ABS-CBN.
Sa 24 na pahinang desisyon ng ng SC, pinagtibay nito ang pasya ng CA kung saan inaaprubahan ang Partial Settlement Agreement sa pagitan ni Tiangco at ng ABS-CBN.
Ang reklamo ni Tiangco ay nag-ugat makaraang patawan siya ng three-month suspension without pay ng network sa kaniyang co-anchor positions sa TV Patrol at sa Mel & Jay radio program noong January 16, 1996 dahil sa umano ay paglabag sa memorandum ng kumpanya nang lumabas siya sa isang commercial ng sabon.
Sa ilalim ng memorandum ng network, lahat ng kanilang on-air o on-camera talents at employees sa Radio a News and Public Affairs Department ay binabawalang lumabas sa commercial advertisements.
Ayon sa supreme court bagamat naniniwala ito na hindi nga nabayaran si Tiangco sa mga hinihinging monetary claims nito ay binigyang-diin ng SC na hindi naman entitle ang broadcaster dito dahil base finding ng korte, hindi empleyado ng ABS CBN si Tiangco.
Sa halip ito ay isang independent contractor o talent na walang employee-employer relationship sa pagitan nila ng network. (DDC)