Publiko pinag-iingat ng DOH sa mga usong sakit ngayong tag-ulan

Publiko pinag-iingat ng DOH sa mga usong sakit ngayong tag-ulan

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga sakit na uso kapag tag-ulan.

Ayon sa DOH, kapag ganitong panahon ng tag-ulan ay marami ang tinatamaan ng WILD o Waterborne infectious diseases, Influenza, Leptospirosis, at Dengue.

Para makaiwas sa leptospirosis, payo ng DOH, iwasan ang lumusong sa tubig-baha.

Para naman makaiwas sa sakit na dengue, linisin ang kapaligiran upang hindi maging breeding ground ng mga lamok na may dalang dengue.

Paala din ng DOH, dapat magpaturok ng flu shots. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *