U.S. sisimulan na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga edad 4 pababa
Target ng Estados Unidos na maumpisahan ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang 4edad 4 pababa sa June 21.
Ayon kay White House COVID response coordinator Ashish Jha, hinihintay na lamang ang pag-apruba ng federal authorities para maumpisahan ang pagbabakuna sa nasabing age group.
Sinabi ni Jha na mayroong sapat na suplay ng Pfizer at moderna vaccines para magamit sa mga bata.
Kapwa naghain na ng aplikasyon ang Pfizer at Moderna sa US Food and Drug Administration para mabigyan sila ng otorisasyon upang magamit ang kanilang bakuna sa mga batang edad 4 pababa.
Nakatakda na itong pagpulungan ng USFDA sa June 14 at 15. (DDC)