World Bicycle Day ginunita sa Quezon City
Nagsagawa ng aktibidad sa Quezon City ngayong araw sa paggunita ng World Bicycle Day.
Sa pangunguna ng Department of Public Order and Safety – Green Transport Office, nagsagawa ng bike run sa lungsod.
Ibinida ng pamahalaang lungsod ang 93-kilometrong bike lane network na binabagtas ang mga pangunahing kalsada sa QC.
Patuloy pa ang pagsasaayos ng mga bike lanes sa iba pang bahagi ng lungsod para masiguro ang ligtas na biyahe ng mga siklista.
Hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang mga QCitizens na magbisikleta at gumamit ng alternative transportation dahil bukod sa eco-friendly at abot-kaya, ito ay nakapagpapabuti sa kalusugan bilang ehersisyo. (DDC)