Kaso ng leptospirosis tumaas sa NCR at apat pang rehiyon sa bansa
May pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa Region II, Region VIII, Cordillera Administrative Region (CAR) at sa National Capital Region.
Sa datos mula sa Department of Health (DOH), may naitalang 631 na kaso ng leptospirosis sa bansa mula Jan. 1 hanggang May 7 ngayong taon.
Mas mataas ito ng 6 percent kumpara sa naitalang kaso sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.
Sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na kapah tag-ulan ay nagkakaroon ng pagtaas ng kaso ng leptospirosis.
Pinayuhan ng DOH ang publiko na iwasan ang lumusong sa tubig baha.
Kung hindi naman maiiwasan, dapat gumamit ng waterproof boots. (DDC)