Celtics wagi kontra Warriors sa Game 1 ng NBA Finals
Nakuha ng Boston Celtics ang unang panalo sa best-of-seven ng NBA Finals.
Sa score na 120-108 tinalo ng Celtics ang Golden State Warriors sa Game 1.
Nakapagtala ng 26 points si Al Horford,
habang 24 points naman si Jaylen Brown.
10 sa 24 points ni Brown ay sa 4th quarter ng laban.
Sa kabila naman ng 34 points na binitawan ni Stephen Curry para sa Warriors hindi ito naging sapat para maipanalo niya ang koponan.
Sa Lunes gaganapin ang Game 2. (DDC)