National Museum of Fine Arts sarado mula June 6 hanggang July 4
Bilang paghahanda sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay isasara ng halos isang buwan ang
National Museum of Fine Arts sa Maynila.
Ang nasabing lugar ang napiling venue para sa inagurasyon ng ika-17 presidente ng bansa sa June 30, 2022.
Ayon sa National Museum of the Philippines, ang Legislative Building ng pasilidad ay idineklarang National Historical Landmark na unang itinayo noong 1926 at nai-rebuild matapos ang World War II noong 1949.
Bilang paghahanda sa isasagawang inagurasyon, isasara pansamantala ang National Museum of Fine Arts simula sa Lunes, June 6 hanggang sa July 4.
Muli itong bubuksan sa publiko sa July 5, alas 9:00 ng umaga.
Mananatili namang normal ang operasyon ng National Museum of Anthropology at National Museum of Natural History. (DDC)