P5.1M na halaga ng shabu itinago sa laruan; 2 arestado
Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs-NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA-Inter Agency Drug Interdiction Task Group ang tinatayang P5.1 million na halaga ng shabu na itinago sa mga laruan.
Naaresto din ang dalawang suspek na consignee ng nasabing kargamento habang tinatangkang i-claim ang package sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.
Ang kargamento ay idineklarang naglalaman ng Set of Toy Drums na galing ng Mexico at dumating sa bansa noong May 30, 2022.
Nang isailalim sa x-ray scanning ay nakita ang kahina-hinalang laman nito at nang buksan ay natuklasan ang aabot sa 750 grams ng shabu. (DDC)