Pagpapataw ng bago o dagdag na buwis hindi prayoridad ni Marcos
Hindi kasama sa prayoridad ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtataas buwis na ipinapataw sa mamamayan.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, sa isinagawang pulong ng incoming 19th Congress kay Marcos ay napag-usapan na ang ilang legislative agenda ng susunod na kongreso.
Sa nasabing pag-uusap, sinabi ni Zubiri na hindi prayoridad ni Marcos ang pagpapataw ng dagdag o bagong buwis.
Sa halip ani Zubiri, nais ni Marcos na matugunan ang problema sa korapsyon sa Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue para mas mapabuti pa ang kolekyson.
Una nang ipinanukala ng Department of Finance ang pagkakaroon ng bago o mas mataas na buwis para makatulong na mapababa ang utang ng bansa. (DDC)