Oath taking ni President-elect Marcos sa National Museum of the Philippines isasagawa
Sa National Museum of the Philippines gaganapin ang oath taking ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa June 30.
Ayon kay Presidential Management Staff Secretary-designate Zenaida Angping, nakapagsagawa ng na ng inspeksyon ang inaugural committee sa lugar.
“In full swing” na rin aniya ang paghahanda para sa inagurasyon.
Sa National Museum of the Philippines din ginanap ang inagurasyon nina dating pangulong Manuel Quezon, Jose Laurel at Manuel Roxas.
Unang ikinunsidera ng kampo ni Marcos na sa Quirino Grandstand isagawa ang inagurasyon.
Pero ayon kay Angping, mayroong quarantine at isolation facility sa lugar kaya para hindi maabala ang medica care na ibinibigay sa mga naka-quarantine, nagpasya silang sa ibang lugar na lang gawin ang oath taking. (DDC)