‘Hapag Movement’ ng Globe iibsan ang pagkagutom ng 500K Pinoy
Ang Involuntary hunger ay patuloy na nagiging malaking hamon para sa maraming low-income families, lalo na yaong mga nawalan ng kabuhayan sa panahon ng pandemya.
Sa pangako nitong iaangat ang buhay ng mga Pilipino, inilunsad kamakailan ng Globe ang The Hapag Movement, isang fundraising initiative na pinangunahan ng Globe Group na naglalayong isulong ang isang integrated approach sa pag-ibsan sa gutom ng mga pamilyang Pinoy.
Layon ng The Hapag Movement na suportahan ang 100,000 pamilyang Pinoy o 500,000 indibidwal.
Sa ilalim ng programa ay pakikilusin ng Globe ang local at international contributions mula sa multiple sources, kabilang ang partner networks at iba pang organisasyon, para tumulong na tugunan ang hunger crisis na nakaapekto na sa may 15 million Filipinos, batay sa fourth quarter 2021 report ng Social Weather Stations.
Ang lumolobong insidente ng pagkagutom ay dulot ng unemployment na pinalala ng pandemya, kung saan 3.13 million Filipinos ang walang trabaho hanggang noong February 2022 report ng Philippine Statistics Authority.
Inilunsad sa Globe GG Party event na dinaluhan ng gamers, industry partners at media, ang The Hapag Movement ay ang pagsisikap ng kompanya na makatulong sa paglaban sa gutom sa pamamagitan ng teknolohiya. Naniniwala ang Globe na “every person deserves a seat at the table for a decent meal.”
Ginagamit ng Globe ang digital platforms nito para sa paglikom ng pondo tulad ng GCash at Globe Rewards points donations, at nanawagan din sa gaming community na tumulong sa programa.
“This program is anchored on the company’s ecosystem of relevant services and products that enable Filipinos to uplift their lives and those around them. We encourage our customers and partners to help put food on the table of families in need by donating through GCash or using their Globe Rewards points,” pahayag ni Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability and Corporate Communications Officer.
“Whether you’re just starting out to play, you’re an avid streamer, a professional gamer, or even just someone who wants to show support for those who love to play, we want everyone to know that with Globe, there is good in gaming and we can embrace it together,” sabi naman ni Rina Siongco, Head of Get Entertained Tribe at Globe.
Ang The Hapag Movement ay bahagi ng Globe of Good program, isang holistic intervention na nakatuon sa pagpapagaan sa gutom at sa livelihood opportunities para tulungan ang mahihinang pamilya. Ipinatutupad ito sa pakikipagpartner sa Ayala Foundation’s #BrigadangAyalaKaakay Program, Tzu Chi Foundation Philippines, at Caritas Philippines.
Ang programa ay kinabibilangan ng food distribution initiatives, capacity-building sessions para sa upskilling at micro-entrepreneurship, seed capital sa anyong microlending, at access sa employment opportunities sa pamamagitan ng partner companies.
Para mag-donate, magtungo sa Rewards section ng New GlobeOne app, i-click ang “DONATE” icon, piliin ang Hapag Movement at ang katumbas na denomination, at pagkatapos ay pindutin ang “REDEEM.” Isang confirmation message ang ipadadala ng 4438 matapos ang matagumpay na donasyon.
Maaari ring mag-donate sa Hapag Movement sa pag-scan sa GCash QR Code gamit ang GCash app.