Publiko hinikayat ng DOH na makiisa sa paggunita ng “No Smoking Month”

Publiko hinikayat ng DOH na makiisa sa paggunita ng “No Smoking Month”

Ngayong buwan ng Hunyo, ginugunita ang “No Smoking Month”.

Ayon sa Department of Health (DOH) ang tema ng paggunita ngayong taon ay “Tobacco: Threat to our life! Vape and Smoke-Free Environments for a Healthy Pilipinas”.

Sinabi ng DOH na umaabot sa 100,000 Pilipino ang namamatay dahil sa mga sakit na may kaugnayan sa tobacco.

Hinimok ng DOH ang bawat isa na makiisa sa kampanya para mapigilan ang mga kabataan na manigarilyo.

Sa mga nais huminto sa paninigarilyo at nais ng tulong, maaring tumawag sa numerong 1558. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *