COVID-19 vaccine ng Moderna puwede nang gamitin sa mga edad 6-11

COVID-19 vaccine ng Moderna puwede nang gamitin sa mga edad 6-11

Maaari nang gamitin ang COVID-19 vaccine ng Moderna sa mga batang edad 6 hanggang 11.

Ito ay makaraang aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pag-amyenda sa Emergency Use Authorization (EUA) na ipinagkaloob sa Moderna.

Ayon kay Dr. Beverly Ho, director ng DOH Health Promotion Bureau, sa inaprubahang amendment sa EUA, puwede nang gamitin ang Moderna COVID-19 vaccine bilang primary series vaccine sa nasabing age group.

Sa ngayon, tanging COVID-19 vaccine ng Pfizer ang ibinibigay sa mga batang edad 5 hanggang 11.

Hihintayin muna ng pamahalaan ang rekomendasyon mula sa Health Technology Assessment Council (HTAC) bago mai-roll out ang paggamit ng Moderna vaccine sa mga bata. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *