100 percent face-to-face classes sa SY 2022-2023 suportado ng CHR
Suportado ng Commission on Human Rights (CHR) ang plano ng Department of Health (DOH) na isangdaang porsyentong maisagawa ang face-to-face classes sa School Year 2022-2023.
Ayon kay CHR Executive Dir. Jacqueline Ann de Guia, malaking bagay ito para masiguro ang karapatan ng mga bata sa edukasyon.
Umaasa din si De Guia na ang mga paaralang lalahok sa in-person classes ay mahigpit na makasusunod sa COVID-19 healtg protocols.
Una nang sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na kumpiyansa ang kagawaran na maipatutupad na sa susunod na taong panuruan ang 100% na implementasyon ng face-to-face classes.
Ito’y kasunod ng magandang resulta ng paunang pagpapatupad ng limited face-to-face at ng kasalukuyang nagpapatuloy na progressive expansion. (DDC)