Kaso ng dengue sa Western Visayas tumaas ng 110 percent
Nakapagtala ng 266 na bagong kaso ng dengue sa Western Visayas sa nakalipas na isang linggo.
Sa datos mula sa DOH-Western Visayas, mula Jan. 1 hanggang May 21 ay nakapagtala ng 1,693 na kaso ng dengue sa rehiyon na mas mataas ng 110 percent kumpara sa 808 cases lamang sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.
Kabilang sa nakapagtala ng mataas na kaso ang mga sumusunod na lalawigan:
Aklan (54 cases)
Antique (84 cases)
Capiz (14 cases)
Guimaras (6 cases)
Iloilo (39 cases)
Negros Occidental (96 cases
Bacolod City (12 cases)
39 percent sa mga tinamaan ng sakit ay pawang mga batang edad 1 hanggang 10.
Patuloy ang paalala ng DOH sa publiko na gumawa ng hakbang upang masugpo ang mga lamok na nagdudulot ng sakit na dengue.
Kabilang dito ang pagpapatupad ng 4s o search and destroy, seek early consultation, self protection at support fogging/spraying only in hotspot areas. (DDC)