Students with disabilities bumisita sa tanggapan ng National Council on Disability Affairs
Nagsagawa ng educational field trip ang mga mag-aaral mula sa Area I Vocational Rehabilitation Center (AVRC I), Dagupan, Pangasinan, sa tanggapan ng National Council on Disability Affairs (NCDA).
Ayon sa NCDA, layunin nitong mas mabigyang impormasyon ang mga estudyanteng may disabilities sa mga existing programs at series ng NCDA.
Ang AVRC I ay nagbibigay ng vocational training sa mga persons with disabilities upang sila ay aktibong makalahok at makapag-ambag sa komunidad.
Inihahanda din sila sa trabahong angkop sa kanilang kakayahan at talento.
Sa isinagawang educational field trip ang mga estudyanteng may disabilities ay nabigyan din ng access sa mga pasilidad sa Disability Resource and Development Center (DRDC).
Ang DRDC ay model hub para sa capacity building services, resource augmentation, research at organization ng mga persons with disabilities.
Mayroon itong multi-purpose hall, e-library, broadcasting room, accessible rooms at Office of the Executive Director. (DDC)