Manila Bay Dolomite beach muling bubuksan sa publiko
Bubuksan na muli sa publiko simula sa June 12 ang Manila Bay Dolomite beach.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagbubukas ng Manila Bay Dolomite beach ay isasabay sa selebrasyon ng ika-124 taon ng Araw ng Kalayaan.
Sinabi ni DENR acting secretary Jim Sampluna, ang Manila Bay Dolomite beach ay isa lamang sa mga legasiya ng Duterte administration.
Ayon naman kay Manila Bay Coordinating Office (MBCO) Executive Director Jacob Meimban sa pagbubukas muli ng dolomite beach, papayagan lamang ang visitation, walking, at sunset viewing sa luga.
Mahigpit pa ring ipagbabawal ang paliligo dahil ang water quality nito ay hindi pa pasok sa 100 most probable number per 100 milliliters (MPN/100 mL) standard fecal coliform level. (DDC)