Kinatawan mula sa iba’t ibang bansa nag-courtesy call kay President-elect Marcos

Kinatawan mula sa iba’t ibang bansa nag-courtesy call kay President-elect Marcos

Nag-courtesy visit kay President-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga ambassador mula sa Singapore, United Kingdom, France at European Union, sa BBM headquarters, sa Mandaluyong City.

Unang bumisita kay Marcos si Singapore Ambassador Gerald Ho at agad sinundan ni ambassador Laure Beaufuls ng united kingdom.

Dumating din si European Union ambassador Luc Vèron at sumunod si Ambassador Michelle Boccoz ng France.

Sa kanilang private meetings, tiniyak ng mga envoy na palalakasin pa ang ugnayan sa trade at diplomacy, maging ang kanilang common interests sa democracy, self-determination, at economic recovery.

Sa pagharap sa media ni Ho, kinumpirma nito na inimbitahan ni Singapore President Halimah Yacob si Marcos na bumisita sa kanilang bansa.

Gayunman, nilinaw niya na wala pang detalye dahil pinag-uusapan pa ang schedule ng dalawang lider.

Samantala, ibinida naman ni Beaufils na “really useful, very informative, and very warm” ang naging pag-uusap nila ni Marcos.

Hindi naman nagpaunlak ng panayam sa media ang ambassadors ng France at EU bunsod umano ng kanilang naunang commitments.

Noong nakaraang linggo ay tinanggap ni Marcos ang mga ambassador ng Japan, India, at South Korea, at United States Charge d’Affaires, sa magkakahiwalay na meetings sa kanyang opisina sa Mandaluyong. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *