Erwin Tulfo magsisilbing DSWD secretary; iba pang magiging miyembro ng gabinete ng Marcos admin pinangalanan
Pinangalanan ng susunod na administrasyon ang ilan pang mga personalidad at opisyal na mapapabilang sa gabinete kasama na ang mga magiging kalihim ng Department of Tourism (DOT) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay incoming press secretary, Atty. Trixie Cruz-Angeles, napili ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang broadcaster na si Erwin Tulfo bilang susunod na kalihim ng DSWD.
Ang tagapagsalita naman ni Vice President-Elect Sara duterte na si Liloan Mayor Christina Frasco ang magiging kalihim ng DOT.
Itinalaga din sina Maria Zenaida Angping bilang incoming secretary ng Presidential Management Staff habang pamumunuan ni Amenah Pangandaman ang Department of Budget and Management (DBM).
Samantala, si dating Commission on Information and Communications Technology chairperson Ivan John Uy ang magiging susunod na kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ipinaliwanag ng Cruz-Angeles na naging basehan sa pagpili ng mga monimado ang kanilang karanasan sa public service at napatunayang service records.
Sa kasalukuyan, mayroon nang labinwalong nominees na pinangalanan na mapapabilang sa gabinete ng incoming Marcos administration. (Infinite Radio Calbayog)