LPA sa Surigao del Norte magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na nasa bahagi ng Surigao del Norte.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 60 kilometers north northeast ng Surigao City, Surigao del Norte o sa layong 95 kilometers East ng Maasin City, Southern Leyte.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw ng Martes, May 31 ang LPA ay magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Visayas, Caraga, Bicol Region, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Southern Quezon.
Sa Metro Manila naman at sa nalalabing bahagi ng bansa, bahagyang maulap na papawirin ang iiral na may isolated na pag-ulan at thunderstorms. (DDC)