Opisyal ng CPP-NPA sa Southern Luzon nasawi sa Albay

Opisyal ng CPP-NPA sa Southern Luzon nasawi sa Albay

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na isang vice commanding officer ng CPP-NPA sa Southern Luzon ang nasawi sa armed confrontation sa pulisya.

Sa pahayag sinabi ni P/Lt. Gen. Vicente danao Jr. isang concerned citizen ang nagsumbong na naningikil sa mga negosyante sa Daraga, Albay si Antonio Abadeza.

Si Abadeza ay vice commanding officer ng CPP sa ilalim ng KP3 PLTN3, KSPN3 at mayroong kinakaharap na warrant of arrest sa dalawang bilang ng kasong attempted murder, robbery with homicide at murder.

Sa ikinasang operasyon, naharang ng mga otoridad ang suspek habang sakay ng motorsiklo.

Pero sa halip na sumuko ay nanlaban si Abadeza at pinaputukan ang mga pulis.

Idineklarang dead on arrival sa ospital si Abadeza.

Na-recover sa kaniya ang isang hindi pa tukoy na kalibre ng baril na kargado ng walong bala, isang extra magazine na may anim na bala, apat na basyo ng bala, wallet na may lamang P11,710 cash, mga dokumento at ang ginamit niyang motorsiklo.

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *