Dagdag na P31 sa minimum wage sa Central Visayas epektibo n sa June 14
Simula sa June 14 ay may dagdag na P31 sa minimum na sweldo ng mga manggagawa sa Central Visayas.
Ayon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Region 7, ang mga manggagawa sa Class A cities and municipalities ay tatanggap na ng P435 na minimum na sahod mula sa kasalukuyang P404.
Ang mga nasa Class B cities and municipalities naman ay tatanggap na ng P397 na minimum wage mula sa kasalukuyang P366.
Samantala, nakasaad din sa kautusan ng wage bord na ang mga kasambahay kabilang ang mga general househelp, yaya, cook, gardener, labandera at iba pang kahalintulad ay dapat tumanggap ng dagdag na P500 sa kanilang buwanang suweldo. (DDC)