LPA nagdudulot ng pag-ulan sa Visayas at Mindanao

LPA nagdudulot ng pag-ulan sa Visayas at Mindanao

Maghahatid ng kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas at Mindanao ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA sa Surigao del Sur.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 330 kilometers East ng Hinatuan.

Ayon sa PAGASA, maulap na papawirin ang mararanasan ngayong araw sa Visayas at Mindanao dahil sa LPA.

Sa Metro Manila naman at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, maaring makaranas ng isolated na pag-ulan at thunderstorms lalo na sa hapon o gabi.

Sinabi ng PAGASA na apektado na ng Southwest Monsoon o Habagat ang western section ng Luzon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *